The EQ Post

“How shall freedom be defended? By arms when it is attacked by arms, by truth when it is attacked by lies, by faith when it is attacked by authoritarian dogma. Always, in the final act, by determination and faith.” ― Archibald MacLeish

EQ Video

EQ Post HOME

Reflections

“How shall freedom be defended? By arms when it is attacked by arms, by truth when it is attacked by lies, by faith when it is attacked by authoritarian dogma. Always, in the final act, by determination and faith.”

― Archibald MacLeish

Wednesday, April 20, 2016

Open Letter to Mar Roxas (From Facebook)

From :Bj Downey Jr. (Facebook) 
Dear Mar Roxas,

Iboboto kita.
Pero ‘wag ka masyadong feeling. Iboboto kita hindi dahil gustong-gusto kita kundi dahil lang wala na akong ibang mapagpilian. Kumbaga sa pagkain, yung iba nasusuka ako. Sa’yo, naiindigestion ako paminsan-minsan.
Kung ibang eleksyon ‘to, hindi kita iboboto. Hindi kita iboboto over Raul Roco. Hindi kita iboboto over Jovito Salonga. Kaso wala e, kahit mag-abstain ako meron at meron pa ring dapat maging president.
Ito yung mga dahilan kung bakit ayaw kitang iboto:
1. Kups talaga yung nangyari sa Kidapawan at lalong kups yung ginawa pagkatapos. Ipakulong ba naman yung mga lola. Kups ‘yun, ‘tol! Tang ina n’yo!
2. Imbistagahan at aksyunan n’yo naman yung panlalapastangan sa mga Lumad.
3.‘Yang putang-inang laglag bala na ‘yan, napaka-inutil n’yo para ‘di ‘yan mapigilan. Benefit of the doubt na na baka mga kalaban n’yo promotor niyan kasi laging perfect timing ang mga insidente. Pero naman, galaw-galaw naman kayo diyan. Inutil!
4. Yung mga lintik na plaka at sticker namin sa LTO, ang simple na lang nun, dude, pumalpak pa kayo.
P.Noy:Is the LTO  frontline service delivery 
the WORST in government?
LTO Citizen Charter on Renewal of MV Registration:10 minutes (daw) to renew MV Registration!
ACTUAL TIME: 1 1/2 hours (including additional time to pay for new license plates!)
Ito naman yung mga bagay na kinagagalit ng lahat pero kaya ko pang intindihin:
1. Mamasapano – sige, covert military operation ‘yun kaya ‘di applicable ang rules. ‘Pag successful, palakpakan. ‘Pag palpak, yari lahat ng sangkot. Ganun talaga e.
2. Yolanda - kaya ko ring intindihin kasi pinakamalaking delubyo ‘yun sa kasaysayan. USA nangamote sa response sa Hurricane Katrina. Japan nangamote rin sa Kobe earthquake. At in fairness naman, UN mismo na-impress sa response natin. World Bank at ADB impressed din sa nangyayaring rehabilitation. Pero yung asta mo during that time, ‘kala ko talaga wala ka ng balak tumakbo kasi napakaantipatako mo sa mga interview. Corruption? Tignan natin kung anong ilalabas ng mga nag-iimbistiga.
3. MRT - nakakabuwisit talaga tuwing sumasakay ako. Minumura ko kayo ni Abaya. Pero at least bumili na kayo ng mga bagong bagon. Aasahan ko ‘yan.
4. Trapik - dati pa namang problema ‘yan. Naging hit song nga ‘yan ng ‘90s rap group na Death Threat at girl band na Prettier Than Pink. Sana makatulong nga yung pinagawa n’yong NLEX-SLEX connector. Aasahan ko rin uli ‘yan.
5. NAIA – sige, nagulat siguro tayo sa biglang dagsa ng halos 5 million tourists at sa biglang boom ng local tourism kaya hindi nakapag-cope yung airport. Pero, ito ha, may 6 years ka para ayusin na ‘yan.
6. DAP - hindi ko ma-judge kung tama o mali. Ang alam ko lang, nirereklamo yung process ng DAP mismo pero walang alegasyon na ninakaw yung mga DAP projects tulad ng PDAF-Napoles issue. Ang alam ko lang din, tumaas GDP dahil sa DAP at bumagal nung tinanggal ito bigla. Tapos nung tinanggal, binatikos naman ang gobyerno na under spending daw.
Ito naman ang mga dahilan kung bakit kita iboboto:
1. Bilib ako sa napagawang 100,000 classrooms. Wala pang nakagawa nun ever.
2. Bilib din ako sa napagawang 18,000 kilometers na mga kalsada at 100 kilometers ng mga tulay. Wala pa ring nakagawa nun.
3. Bilib ako sa nangyayaring AFP modernization. Wala pa ring nakagawa niyan.
4. Bilib din ako na consistently tayong nasa top 3 in terms of GDP growth sa Asia. Wala pa ring nakagawa niyan.
5. Astig din na ang forecast ng World Bank ay magiging upper middle income economy na tayo by 2020.
6. Hanga din ako na laging ayon sa schedule naipapasa ang budget ngayon. Dati kasi sinasadyang ‘wag umabot sa deadline para reenacted budget lagi. Yun na, free for all na ang pagdekwat.
7. Ayos din na naibalik ang indepence ng Supreme Court. Dati parang puppet na lang ng presidente, e.
8. Ngayon din, nagtatrabaho na ang COA. Dati, bibigyan lang ng pansit ang auditors hindi na magtatrabaho. Si Heidi Mendoza mismo ang nagsabi niyan. Ngayon, lahat takot sa COA.
9. Pati Ombudsman, kinatatakutan na ngayon. Dati parang dekorasyon lang ang Ombudsman.
10. Malaki na rin ang improvement natin sa Corruption Index na matagal ng hindi nangyayari. 2008, 141st tayo out of 175 countries. Ngayon nasa 95th na tayo.
11. 90% na rin ang coverage ng Philhealth.
12. Yung K-12, kahit na ang daming galit diyan, hanga ako na pinanindigan n’yo ‘yan.
13. Ganun din sa RH Bill na kailangang-kailangan natin. At the risk of losing the Catholic vote, pinush n’yo pa rin. Asshole lang ‘tong si Tito Sotto, hinarang yung budget.
14. Inflation, lowest level in history kaya star din ‘yan. 7.25% nung 2008, ngayon 1.5%.
15. Unemployment, bumababa consistently. From 7.3% nung time ni GMA, ngayon nasa 5.8%
16. Yung pagpapakulong sa tatlong senador, unprecedented ‘yun.
“Public office is a public trust”
17. Yung pagpapakulong kay GMA, agree din ako diyan.
18. Yung pag-impeach kay Corona, ang tigas n’yo dun. Thug life, kumbaga.
19. Ok din yung Oplan Lambat Sibat (kahit ang weird ng pangalan) kasi 700+ out of the 900+ most wanted ang nahuli dahil dito.
20. Impressive din yung response sa Bohol earthquake.
21. Ayos din yung response sa Zamboanga seige.
22. Ngayon lang din nangyari na nag-improve ang Debt-GDP ratio natin kaya ituloy n'yo lang 'yan.
23. Ngayon lang din nangyaring naging creditor nation na tayo. Hindi na lang tayo nangungutang, nagpapautang na rin tayo kaya may extra income tayo dun. Good job 'yan.
So, Mar, iboboto kita ngayon. Pero hindi ibig sabihin nun kakampihan kita lagi. Susuportahan kita, pero mumurahin kita kung kinakailangan.

Sincerely yours,
Brian James Camaya

EQ Post Note: Salamat din sa 4Ps!